Malungkot ako.
Kanina, dahil sa masakit ang ipin ko.
Ngayon, dahil sa mga nakita at nabasa ko.
Sana mamaya, dahil na lang ulit sa masakit ang ipin ko.
Malungkot ako.
Kasi kanina pag-gising ko, masakit ipin ko.
Kasi kanina di ako makakain ng maayos dahil sa masakit
ang ipin ko.
Kasi kanina akala ko ipin lang ang magiging dahilan ko sa
pagiging malungkot ko.
E kaso hindi.
May narinig ako.
May nakita.
May nabasa.
Malungkot ako.
Kanina, dahil sa masakit ang ipin ko.
Ngayon, dahil sa mga nakita at nabasa ko.
Sana mamaya, dahil na lang ulit sa masakit ang ipin ko.
Malungkot ako.
Kahit na alam kong dapat e masaya ako dahil sa nakita at
nabasa ko.
Kahit na alam kong iyon naman talaga ang hinihiling ko.
Kahit na alam kong masaya siya at dapat ay maging masaya
din ako.
Malungkot ako.
Kanina, dahil sa masakit ang ipin ko.
Ngayon, dahil sa mga nakita at nabasa ko.
Kasi hindi ko pala talaga kaya lokohin ang sarili ko.
Malungkot ako.
Kasi nalaman kong tanga pala talaga ako.
Malungkot na. Tanga pa.
Saan ka pa?
Saan ka pa?