A Few Things I'm Thankful For

It's the 362nd day of the year and 2014 is right around the corner. A lot of things happened - the bad and the good - but all I know is, 2013 is ending and there's no way of coming back.

This year is a bittersweet one for me. It was like a big crazy maze that I can't figure how to get myself out, alive. One moment I'd find good news everywhere and I'm so happy and everybody's happy like "Yeah! We're all happy! Hurray for everyone!" and then all of a sudden bad news keep popping out like popcorn on a microwave. But unlike the happiness of eating popcorn while watching a good movie, bad news seems to really know how to ruin good news. Every freaking time.

But like what I've said, it is a one hell of a bittersweet year. Meaning, in every bitter side there's always a sweet side and I actually tried my very best to focus on the sweet side of everything. And it was hard. But we all know that there's no easy way, right? Or at least that's what I believe in. 

And then I realized that I still do have a lot of things to be thankful for - I mean a lot - this year, leaving those unexpectedly expected messed up stories behind me. I know it wouldn't really hurt me or anyone to actually admit it to myself and thank whatever or whoever they are that somehow became a part of my tedious life this year. So, here's my list...

- My family's two loving dogs and an irresistible snobbish cat who still loves me even though I just ignore them a lot of times, who gives me warm hugs and kisses every time I'm feeling sad and tired.

- My parents who's been sacrificing their whole lives for me and my siblings. They're not perfect but at least they're trying their best to do more than any parent could do for their children. And I love them. So much.

- My two cool siblings who gives me random advice whenever I need or don't need to. They know me more than myself and I owe them a lot for cooking and giving me food every time Mom's not around. You two are the best!

- My sweet nephews, nieces and godchildren who knows exactly how to make me feel loved just by letting me see those cute and innocent smiles on their faces. Sweetest gift I'll ever get.

- My handful of best friends who's been there with me in good times and in bad, who always know the right thing to say whenever I needed to talk to someone or when I simply need a laugh. They're positively insane and I love them so.

- To the people I call friends who trusted me and welcomed me into their lives. They know exactly who they are and they'll always be in my heart no matter what.

- To that someone who seems to never forget me. With all my heart, thank you so much.

- My family's and love one's health and mine. To feel normal and healthy is one of the most important and lucky thing to have.

- To the founder of coffee and tea, thank you SO much for making my life a lot more better than it is!

- To the world of music, art, words and food for giving me something to rely on whenever I need some time alone.

- Love, in every different forms. It's the most beautiful thing in the world and I'm so lucky to feel it.

- And of course, to God who loves me so much. He even gave me these few things to be thankful for. By the way I see it, with these people and things that I love, I think I'm one of His favorites. :)

Si Gino

Pahigop-higop lang ng kape si Gino. Wala kasi siyang magawa. Walang pumapasok sa isip niya kaya wala siyang magawa. Maya’t-maya, humihithit siya sa stick ng sigarilyo na pawang binubusog ang kumakalam niya nang sikmura. Nakaka-isang kaha na siya simula ng umupo siya sa paborito niyang lugar ng kanyang bahay, mahigit anim na oras na ang nakakaraan. Bawat usok ay may katumbas na tanong. Bawat upos ay may katumbas na kalituhan sa kanyang isip.

'T@*g I%a Gino! Tutunganga ka na lang ba? Isip. Mag-isip ka nga!

Kanina pa niya naririnig ang sarili. Sa magkabilaang tainga, naririnig niyang minumura siya ng paulit-ulit ng sarili niyang kaluluwa. Inuulanan na siya ng mura ngunit wala siyang magawa dahil alam niyang tama ang kanyang naririnig, tama ang kanyang sarili na dapat siyang mag-isip. Na dapat niyang paganahin ang kanyang utak at huwag hayaang matapos ang araw na ito ng wala na namang matinong naisulat.

Ang pagsulat ng mga sari-saring kwento ang kinabubuhay ni Gino at hindi maitatangging naiangat siya nito mula sa kahirapan. Nakasulat na siya ng tatlong libro sa pamamagitan ng mga pinagtagpi-tagping kwento ng mga kung sinu-sinong likhang-isip na tao na walang kamalay-malay na magiging parte sila ng buhay niya.

Bumenta sa mundo ng mga salita ang tatlong libro na ginawa niya na kung tutuusin ay hindi naman talaga sa kanya. Hindi niya kwento ang mga laman nito kundi kwento ng buhay ng ibang tao na hindi niya personal na kilala. Mga inimbentong kwento ng buhay na alam niyang sa ibang banda ay maituturing na totoo dahil may mga nakaranas na nito o di kaya’y may makakaranas pa lang. Ganoon naman ang lahat ng kwento, may parteng totoo at posibleng mangyari at mayroon din namang gawa-gawa lang at imposibleng mangyari sa totoong buhay – depende na nga lang kung paano mo ito iintindihin at sasaloobin.

Mahusay sumulat si Gino kung kaya’t  pumutok ang pangalan niya matapos lumabas ang kanyang unang libro at sa loob ng isa’t kalahating taon, natapos niya ang pangalawa at pangatlo pa na siya rin namang umayo ng parangal at magagandang komento galing sa iba’t-ibang propesiyonal na mga manunulat. Di kalaunan ay napabilang siya sa listahan ng mga bagong manunulat na may angking galing at talino.

Ngunit dumating na ang kanyang kinakatakutan. Humihingi na ang kanyang mga mambabasa ng bago. Iyong tipong mas kapani-paniwala dahil totoo, iyong tipong mas personal. Iyong tipong Maalaala Mo Kaya ang bagsakan. Iyong tungkol sa kanya, iyong kwento ng buhay niya.

At ngayon ay halos sumirit na ang mga dugo sa kaibuturan ng kanyang utak dahil wala siyang maisip na magandang kwento tungkol sa buhay niya. Nagsusulat siya ng kwento ng iba ng walang kahirap-hirap, na kahit antok na antok na siya ay di pa rin niya mapagilan ang sarili na magsulat dahil sa dami ng naiisip niyang pangyayari na maari niyang idagdag sa ginagawa niyang kwento.

Pero sa pagkakataong ito, iba. Kahit anong pilit niyang pigain ang utak na namumutla na dahil sa pag-iisip ay hindi niya magawang isipan ng mga salita na magbibigay ng tamang timpla sa magulo at wasak niyang buhay dahil pakiramdam niya mahuhubaran siya kapag ginawa niya ito at lahat ng taong may pakialam sa kanya ngayon, sa isang iglap ay mawawala ng parang bula dahil makikita nila kung sino ang totoong Gino sa likod ng taong minahal ng kanyang mga mambabasa.

Alam niyang hindi magugustuhan ng mga ito ang kwento ng buhay niya. Alam niyang sa oras na matapos niya ito at ilabas sa lahat ng lugar na nagtitinda ng mga libro ay malalaman ng lahat ang lahat ng sikretong itinatago niya at para sa kanya, ang buong buhay niya ay isang napakalaking sikreto. O di kaya’y isang malaking pagkakamali. O di kaya’y isang nakakalokong kalokohan.

At ngayong gabi, tiyak siyang matutulog ulit siya ng walang nagawa tulad ng nangyari sa buong araw niya kahapon.  

Bukas ng umaga, gigising siya at mag-aayos ng sarili. Kakain. Magtitimpla ng kape. Hihithit ng sigarilyo. Mananatiling nakaupo at mag-iisip sa simpleng upuan na may katernong isang simpleng lamesa kung saan nakapatong ang luma ngunit gumagana pang typewriter na pamana sa kanya ng kanyang lolo na naging manunulat din noong siya’y nabubuhay pa. Nakatapat ito sa isang malaking bintana na walang kurtina na yari sa salamin upang hindi matakpan ang magandang tanawin na binubuo ng mga bundok, puno, ulap, mga ibong humuhuni at nagliliparan at iba pang bagay na may kinalaman sa buhay na kanyang pinapangarap; maganda, masaya, tahimik at puno ng kulay.

Muli ay maririnig niyang minumura siya ng paulit-ulit ng kanyang sariling kaluluwa.

Muli ay wala na naman siyang maisusulat tungkol sa sarili niya.

Muli ay ikakahiya niya ang buhay niya. Noon hanggang ngayon.

Hide and Seek

Where is everybody?
I don’t know. I don’t know.
Where is everybody?
I ought to know. I ought to know.

One. Two. Three.
The smile in your face seems surreal.
Four. Five. Six.
I know what you’re up to and it gives me thrill.

Seven. Eight. Nine.
Hey, you have crossed the enemy’s line.
Ten. Better run and hide.
‘Cause if you don’t, baby soon you’ll be mine.

Where is everybody?
Now I know. Now I know.
Where is everybody?
They’re all mine. You’re now mine.

I told you so.