Torpe 101

Di ko maiwasang isipin ka.
Nakita na naman kita kanina.
Balak ko sanang mag-hi,
Ngunit baka mawalan ng malay.

Sabi niya sumusulyap-sulyap ka daw kanina.
Totoo nga kaya?
Kung oo, ano naman ang laman?
Nais kong malaman.

Susulyap na nga lang ba ako?
Hanggang sa tuluyang maghiwalay ang ating mga mundo?
Nandito pa lang ako.
Nandiyan ka na.

Napa-buntong hininga.
Baka hindi na magtagal pa,
matunaw kang bigla.
Hay, buhay. Hayayay-yayay-yayay.

Osige. Eto na.
Naglalakad na.
Nanginginig na mga kamay,
sa wakas handa na ako mag-hi.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Boom!

Bago pa man makalapit,
ang dila ay namilipit.
Patuloy kang naglakad papalayo.
Oras ng sumuko sa pangarap na maging tayo.

Ang kamay mong mahigpit na hawak niya,
ang puso kong di na makahinga.
Wala na.
'Wag na.