Ano na nga bang nangyari sa "ngayon"?
Niloloko na nga lang ba tayo ng panahon?
Parang ilan sa mga tao sa ating gobyerno,
malulupit at mandaraya.
Parang mga botanteng puro lait at intriga,
kulang naman sa gawa.
Parang mga pulis na nakaunipome nga,
nababalot naman ng dumi at pagkakasala.
Parang tunog ng modernong musika,
unti-unting nauubusan ng puso at mahika.
Parang mga magagandang babae na nagtatago
sa likod ng kung anu-anong pampaganda.
Parang mga lalaking kanya-kanyang porma
para lang maka-isa.
Parang mga taong umiibig na nasasaktan na,
inaamin pa sa lahat na tanga sila.
Parang mga palabas sa telebisyon,
paulit-ulit at nakakasawa.
Bato-bato sa langit,
natamaan ka ba?
Huwag ka ng magalit,
sige ka, baka ka mahalata.